Sunday, July 26, 2009

Akala # 4

Posted by star_angel at 12:35 AM
Akala # 4

Nabitawan ko yung hawak kong kutsara nun. OMFG! Ikakasal na ako? When? Where?? Who? Why? What? HOW?? Wala pa nga ako sa legal age. At! Teka.. ilang taon na ba yung lalaki? Bakit hindi si Ate nalang?? WAAAAH! :(

“bakiiiit? Pano? Wah?”

ngumiti naman ng bongga si mommy nun. Tss. Ano ba yann?!?! My social life is ruined! Pano nalang kung may iba akong mahal? Pano kung panget yung lalaki? Pano kung ayaw ko sakanya? Pano kung mukha siyang aso? Or much worse.. PANO KUNG MUKHA SIYANG KABAYO? Huhuhuhu! Ayaw ko na! :|

“Maaaa!! S—s-s-..P-p-p-.. eh?”

“Napagkasunduan kasi naming ng Tita Kris mo na kung lalaki yung anak ko tas babae yung kanya, or vice versa, ipagkakasundo namin kayo.. eh kaso.. nung yung ate mo yung lumabas.. wala pang anak si Tita Kris mo nun. Pero siguro after 3 years, dun na nabuntis si Tita Kris mo. Yun din yung mga time na pinagbubuntis kita. Kaya nung mga time na yun, super nagbonding kami ni kris. Sabay kami nagpapaultra sound. Kaya dun naming nalaman na babae pala yung dinadala ko – which is ikaw.. at si Kris naman.. lalaki yung sakanya. Kaya nakapagkasunduan naming yun.”

speechless ako nun. Omg! Bakit ako pa? Hindi naman ako pinanganak ng may balat sap wet. Hala! Baka nagkakabalat na din ako! Oh no!! Bakit ako pa!

“Actually.. nagsimula lahat yan sa mga lolo niyo eh. Dapat kami yung ipagkakasundo.. pero obviously.. hindi pwede.. kaya ayun. Nagpromise kami sa mga lolo niyo na pag nagkaanak kami.. dun nalang namin itutupad yung promise nila na naudlot.”

speechless parin ako. Tinignan ko sila. Nakangiti lang sila sa akin. kaya ako.. ngumiti nalang ako.. ng pilit at malungkot. Bakit ba ganun? Ayoko na mabuhay. Ayoko na! mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sa mapangasawa ang lalaking hindi ko naman mahal..

“Kelan po ba yung kasal?”

natawa sila sa sinabi ko. anong nakakatawa??

“anak.. hindi ka rin naman excited no? Engaged palang kayo. Hindi pa kayo pwedeng ikasal dahil wala pa kayo sa legal age. At tsaka..” napangiti si mama. “ayaw ko pa magka-apo no. Hahaha”

“MA!! Ano ba yan! Hindi naman ako ganun no! Pati.. kayo kaya nagsabi. Sabi niyo I’m getting married.”

“oo nga anak. Pero, syempre, konting common sense naman..”

napasimangot naman ako. Err. I hate myself! Oh, teka! Wala naman pala akong common sense eh.. icancel na dapat yung kasal! Nyeh.. joke.. haha.. nawalan na ako ng gana. kahit ba gano kasarap yung pagkain.. nawalan parin ako ng gana. hayy. ayoko pa ikasal. masyado pang maaga. masyado pa akong bata. teka! sino nga pala yung fiance ko?

"sino nga po pala yung fiance ko?"

"ay! nako. oo nga pala. hmm. sa susunod ko nalang ipapakilala sayo. hindi ko muna sasabihin yung name.. baka kasi kilala mo. para surprise. hehehe.. tatawagan nalang kita kung kelan niyo na makikilala ng pormal ang isa't isa.. okay?"

ooooh. ang landi naman. haha! joke! peaaaace! :D nagchikahan pa sila mama at tita kris pati narin si Tito Rudolf at Papa. kami naman ni ate.. ayun.. nagkkwento siya sakin ng kung ano ano.. ako naman eh.. naktunganga lang. kunwari nakikinig ako. kasi naman. yung taas nung spirit ko kanina eh, biglang baksak eh. haaay.

~~~~~~~~


Mga 10 na kami nakarating sa bahay.. naligo ako saglit. Yung halfbath lang. Hindi ko na binasa yung buhok ko. pagkaligo ko.. pumunta na agad ako sa Kwarto ko tapos humiga. Gusto ko na matulog. Hindi naman ako makatulog. Bakit ganun?? Ilang minute rin akong nag munimuni. Pero ayaw talaga akong patulugin.

Ayaw ako dalawin ng Mr.Sleepy. haha. nyeh. Imbento eh/ XD tumayo ako nun tapos binuksan ko yung laptop ko. nagonline ako sa Y!M. wala nang masyadong online. Pano ba kasi.. may pasok pa kaya bukas.

Wala naman akong magawa. Nagopen ako ng ibat ibang site. Tulad ng Tumblr.com, Plurk.com, Friendster, facebook at syempre sa candymag.com. nagbasa muna ako ng mga story dun ng biglang may nagpop-up na IM box ng MSN ko. oo nga pala, binuksan ko din yung MSN ko. lol.

CrazySushi says: hello?

crazy sushi? Sino naman `to? Anong pauso `to?

souplaiduh says: who are you?

CrazySushi says: crazy sushi.. ikaw?


napataas naman kila ko. namimilosopo ba `to??

souplaiduh says: i’m souplaiduh. :P
CrazySushi says: nice meeting you souplaiduh!
CrazySushi says: ui! Suplada pala yun? Ang galing!


napangiti naman ako. Nyeh. Hahaha! Ang slow naman. XD

souplaiduh says: ang slow naman. Haha. jk! :)
CrazySushi says: ay, sorry ah.. hahaha


tapos nun, nakipagchat na ako sakanya.. ewan ko nga kung bat ako nakikipagchat sa taong hindi ko kilala. Hindi naman talaga ako naggaganun eh..ewan ko ba.. parang ang gaan ng loob ko sakanya..

~~~~~~~~~


Friday. CAT. Shet. Ayoko na. T_T maaga akong pumasok sa school ngayon. Nakakahiya kasi pag medyo late na eh. Naka boknai kasi ako. Panget. Ew. Haha! joke. Naka jacket kasi ako. Tapos ang taas ng araw. Parang ewan lang eh no? Nakatuck in kasi kami. Pag hindi kami nagtuck-in. May reminders kami. (Reminders = PARUSA) kaya para hindi halata na nakatuck-in kami. Haha. pati, nakatype C kami ngayon. Nka maong pants, white t-shirt, rubber shoes. Niaha.

ayun. Normal naman araw naming ngayon. Shortened sched kami. Kaya 2:10 nacut na yung class naming. Tapos 2:30, dun na kami nag form. WAAAAH! Form na. :( Bravo 1 yung platoon ko. matangkad kasi ako. Niahaha. Nyeh! Joke lang. Pero atleast, yun yung 3rd na may pinakamatangkad na platoon sa girls. Lol.


“TUNE!!!!”

nagtune naman kaming Bravo 1.

“Diba ang tune hindi gumagalaw?!? Stop moving!!!! LOOK STRAIGHT FORWARD!! No rolling of eyeballs! POCKET YOUR SMILE!!!!”

at nag tune na kami.. grabe.. yang Commandant naming, friend ko yan! Mabait yan! Pero, natatakot ako sakanya pag form na. ayaw ko maparusahan. Eeek! chineck nila yung paraphernalia namin. Tapos nagexercise. GRABE! Ang sakit sa brase. Lalo na yung pushups! 4 counts good for 10 repititions. Tapos 3 sets ng ibat ibang push up pa yung gagawin namin. Bale pag normal count – 4 times 30 = 120 push ups. SHET. T_T

Tapos nun naground yung pinakaofficer namin. Nung malapit na yung pinaka commandant ng CAT.. (yung pinaka mataas na officer? Basta! Siya yun!)

Ui! Dali! Tune! Adyan na yung pinaka gwapong CAT officer! Magpakitang gilas kayo ah!


tapos kinilig kilig pa sila. ano ba yun! pati yung Platoon leader namin eh kinikilig! hahaha! Teka.. sino ba yu—

“OH! Tune ba yan?! TUUUNEE!!!!”




































































Nanlaki yung mata ko. OMG!!! Si.. Brylle ang pinakamataas na officer? Omg. Si Brylle. si Brylle. OMG SI
BRYYYYYYYYYYYYYYLLE!! :o :o :o :o

0 comments on "Akala # 4"

Post a Comment

 

Starlight, Starbright. Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez