Sunday, July 26, 2009

Akala # 1

Posted by star_angel at 12:31 AM
Akala #1
akala ko gusto niya ako..

Bianca

“okay, good bye classs..”

Sabi nang last period teacher namin. Hooray! Uwian na! niahaha. Inayos ko yung gamit ko na ilalagay ko sa locker. Woohoo! Madami dami rin to ah! Tsktsk.. haha.,

Medyo madami akong dala. Tss. Pano ko to lahat dadalhin? Hassle naman kung iiwan ko pa dito tapos babalikan ko ulit. Bakit pa kasi ang layo nung locker-an eh. Nasa kabilang building pa. Nakoo. Mga trip kasi ng school eh. Tapos nasa dulo pa kami ng building. Kaya dulo sa dulo talaga pag naglocker ka. Tsk.

Nilagay ko yung kamay ko sa noo ko na parang nagsasalute. Tapos ginala ko yung tingin ko. hmm.. minimini mayni mo~ ayun!

“ASHHHHHHH!!”

Napatingin naman sakin si Ash.. wahaha.

“patuloooooooooong?”

“yoko nga~ :P

dali na.. pleaseeeee??

ayaw..” tapos lumapit siya sakin. ayaw pala ha?

salamat ash! Niahaha~” sabay ngiti ako..

“anong salamat? May bayad `to no!”

nyee. Kikiss nalang kita!

Tinignan naman niya ako tapos tinaasan ng kilay haha! joke lang naman kasi yun eh, diba..

JOKE! Haha. nako! Baka seryosohin mo ah. Tsktsk. Mahirap na. kaya ash, joke lang yun.. okay? :)

Wahahaha.

“alam ko”

"alam daw? wushuu! if i know.. gusto mo pa ata eh. tsktsk. wag mo na ideny.. alam ko naman yung totoo eh. WHAHAHA :D" title="" class="smiley" border="0">"

"asa," nyeh. sunget!

"ang sungit mo naman. meron ka ba? wahaha! eto naman.. di na mabiro.. tsktsk. buti nga pinabuhat ko sayo gamit ko eh.. dapat masaya ka!"

tinignan niya ako ng nakataas yung kilay at nakakunot ang noo. ang sunget. ang taray! hahaha~

"bat naman ako magiging masaya??"

"madami kayang gustong humawak jan sa gamit ko. and you're the lucky guy kasi ikaw pinili ko! :)"

"edi sana iba nalang pinabuhat mo.." sabay inunahan ako. tssss.

Di ko muna siya hinabol. Tinignan ko muna siya. napangiti naman ako. Kasi naman., oo nga. May gusto ako sakanya. Sabi naman nung mga classmate ko,may gusto din daw siya sa akin. pero, ayaw ko naman maging assuming diba? Mahirap na. pag nasobrahan yung expectation ko.. baka masaktan lang ako. Tsaka. Baka naman infatuation lang din `tong nararamdaman ako. OO, infatuation lang.

Hinabol ko si Ash kasi medyo malayo layo na rin siya. aba! Di talaga ako hinintay? Tsk. Pagkahabol ko sakanya, dumiretso na kami sa locker ko tas nilagay ko na gamit ko at nagthank you sa kanya ulit. Ako nalang magisa na bumaba. Binagalan ko yung paglalakad ko.

Yung kaninang lunch. Grabe yun ah. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko yun. Ay, hindi. Alam ko naman na ganun talaga yun. Wala pa naman akong lovelife. (except sa sandamukal kong boyfriends na busy sa Hollywood tulad ni Robert Pattinson, Daniel Radcliffe pati narin ni Taylor Lautner. Pati sa pagaartista dito .. tulad ni enchong dee.. joke! Ahaha..) di ko pa naman nararanasan magmahal na binabalik sakin yung pagmamahal na binibigay ko. teka, nagmahal na nga ba ako? Puro crush lang ata ako eh. Tulad ngayon. Si Ash ang current crush ko(?). hay buhay talaga oh.
ayun nga.. ayaw ko mag assume. ayoko maging feelingera. ayoko ko kasi.. na sa bandang huli.. sasabihin ko sa sarili ko..



























































































akala ko may gusto siya sa akin. wala pala..

0 comments on "Akala # 1"

Post a Comment

 

Starlight, Starbright. Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez