Sunday, July 26, 2009

Akala ko kasi..

Posted by star_angel at 12:26 AM

Prologue



akala ko dati mahal niya ako.
akala ko dati, kami na habang buhay.
ang dami ko`ng "akala" pag siya yung kasma ko.
puro kasi ako akala..
akala ko kasi..
siya na.


o~o~o~o~o~o~o~o


"Bianca! Bianca!! May tanong ako!! "

Narinig ko na tinanong ng classmate ko kay Bianx..

"Ano yun my dear??"

"ano ba pinagkaiba ng first love sa puppy love??"

"oo nga! Ano pinagkaibaaa?"


"hmm. Teka..."


Nung narinig ko yung tanong. Napatigil naman ako sa ginagawa ko. oo nga, ano nga ba ang pinagkaiba? Hinintay ko yung sagot ni Bianx. naintriga ako masyado.. pero hindi ko pinahalata na nakikinig ako.kaya nagsulat ako ng kung ano ano sa kabilang side ng notebook ko.

"ang pinagkaiba nun is, yung puppy love is para siyang crush. diba ang crush, infatuation? tas yung infatuation is sa looks ka lang niya na attract. parang nung una mo silang nakita, tapos nagwapuhan ka na sakanya.. tapos gusto mo na agad siya.. infatuation yun.. yun din yung puppy love..

yung first love naman, kinilala mo muna siya bago mo siya nagustuhan or minahal. yung hindi ka sa looks niya nainlove, kundi sa personality niya.."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~ yun pala yun?? ang galing!!"


napangiti ako bigla sa sinabi ni Bianx. Napatingin ako sakanya.. at nakita ko na nakitingin din siya sakin.. nung una nagulat siya.. akala ko nga iiwas siya ng tingin.. pero.. nginitian niya muna ako bago niya inalis yung tingin niya sa akin. ako naman, tinignan ko muna siya ng ilang saglit... nwala lang yung tingin ko ng..

"tol!" sabay tapik sa balikat ko tapos binigay niya yung chips na pinabili ko sa kanya. "ano? Tapos na yang tula mo? Sabi ko sayo patulong ka kay Bianca eh. Tamo yung akin! tapos na! wahaha!"

"okay lang. Matatpos na rin naman."


Binuksan ko yung chips tapos kumain. Nang bigla kong narinig na nagsalita ulit si Bianca.

"infatuation is way more different from the real thing."


Tinuloy ko parin yung pagkain ko. at syempre, napaisip din ako.

















Ano nga ba ako sakanya? Puppy love lang ba?


0 comments on "Akala ko kasi.."

Post a Comment

 

Starlight, Starbright. Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez